Home » Page 148
oops! i did it again!

BSN [from my blogger account]

May 1, 2009

BSN

07.28.08
BSN

noong bata ako gusto ko talaga maging isang flight stewardess. simple ang reason, dahil sa uniform nila. sounds funny but true. natutuwa ako sa scarf nila. but i took nursing for the reason na in demand to at siguro dahil na rin naimpluwensyahan na rin ni mama at papa (nurses kasi ang parents ko). mahirap ang nursing! sa first two years knowledge ang hinahasa sayo. then, sa last two years naman both knowledge and skills! naalala ko pa tuwing may practicals sa health care 1, halos magkanda-ugaga ako sa kakatanong kung paano gawin yung ganito? paano gawin yung ganyan. salamat sa mga professors ko! mababait kasi sila, madaling malapitan para tanungan!

ngayong 3rd year na ako, dito ko na-experience yung mag-duty ng mula 10pm-6am, magkaroon ng pasyenteng medyo masungit at gumising ng pasyente ng hatinggabi para kuhaan ng vital signs! naalala ko pa nung first night namin mag-duty. bago pa man kami maka-akyat sa ob ward, may nakita na akong naghihingalong pasyente sa may emergency room. bago naman kami umuwi ng umagang yun may nakita akong pasyente na patay na dahil nakabalot na siya ng white na blanket. nakakalungkot makakita ng ganoong scenario.

sa second rotation naman namin, napunta naman kami sa bulacan. byahe pa lang, nakaka-pagod na! dito naman daw namin mai-experience ang pumunta sa bukid para mag-survey. sana maging ok naman yun! sana makapasa ako ng ncm 101. “for the future ba?”

Posted by znalb at 4:10 pm | permalink | comments[12]